👤

Ipaliwanag ang iyong pagkaunawa sa alienation at bakit hindi ito makakatulong

upang magkaroon ng tunay na ugnayan ng tao?​


Sagot :

Ang alienation ay ang pagtingin ng isang tao na siya ay naiiba at hindi nabibilang sa kanila na maaaring maging sanhi para ilayo niya ang kanyang sarili sa ibang tao. Ang tao na may ganitong pagtingin o pakiramdam ay mahihirapan na makipagsalamuha at makipag ugnayan sa ibang tao. Maaaring hindi sila lumapit sa iba o makipag usap hanggat sa tingin nila ay hindi nila kinakailangan na gawin. Dahil sa ganitong pakiramdam nila, tunay na maaapektuhan ang kanilang pakikipag ugnayan sa ibang tao dahil maaari din nila itong makita na hindi naman nila ito kinakailangan na gawin kaya ipagpapatuloy lang nilang lumayo.

#BRAINLYEVERYDAY