Sagot :
Answer:
Kilala ang mga Pilipino sa pagiging relihiyoso. Madalas na iugnay ang pagiging relihiyoso sa pagiging ispiritwal ngunit sa panahon natin ngayon, tinitingnan na rin ang kaibahan ng dalawa (Zinnbauer et al. 1997). Sa kalinangang Pilipino, matagal nang binigyang-diin nina Enriquez (1994), Covar (1998), at Obusan (1998) na bago pa man masakop ng iba't ibang relihiyon ang Pilipinas, mayroon na tayong mga ritwal na maaaring iugnay sa relihiyon. Nilayon ng pag-aaral na itong malaman ang mga paniniwala at pagpapakahulugan ng mga Pilipino tungkol sa ispiritwalidad at relihiyon. Mga key informant sa iba't ibang larangan ang ginawan ng panayam para lubusang maintindihan ang mga paniniwala at pagpapakahulugan ng mga Pilipino tungkol sa ispiritwalidad at relihiyon. Pinapakita ng mga resultang ang ispiritwalidad ng mga Pilipino ay nakaugnay sa mga paniniwala sa relihiyon. Makikita sa mga resultang isang penomenolohikal o personal na karanasan ang ispiritwalidad at tumutukoy ito sa kaugnayan ng ating sarili sa isang mas mataas sa atin at sa ibang tao. Sa kaugnayan ng ispiritwalidad at relihiyon, hindi maaaring maihiwalay ang ispiritwalidad sa relihiyon. Sa gayon, upang lubusang maunawaan ang ispiritwalidad ng mga Pilipino, nararapat na pagtuunan ng pansin ang mga paniniwala at karanasan sa relihiyon. Tinalakay ang mga resulta at implikasyon ng pag-aaral sa konteksto ng Sikolohiyang Pilipino. Filipinos are known to be religious. Religiosity is commonly associated with spirituality but nowadays, the difference between the two is also being explored (Zinnbauer et al. 1997). In the Filipino culture, scholars like Enriquez (1994), Covar (1998), and Obusan (1998) have already emphasized that even before different colonizers brought their religions to the Philippines, rituals have already existed which can be related to religion. This present study aims to describe the different beliefs and meanings Filipinos give to spirituality and religion.
Explanation:
pwede po pung icut IKAW NA BAHALA=)
HOPE IT HELPS