Sagot :
Kasagutan:
Ano ang denotasyon at konotasyon ng yumuko?
Ang denotasyon ng yumuko ay pagbaluktot at pagbaba ng ulo, ang konotasyon naman nito ay pagtanggap ng pagkatalo o pagsuko.
Iba pang impormasyon:
Konotasyon: karagdagang kahulugan na mas malalim ng isang bagay.
Denotasyon: literal na kahulugan ng isang bagay madalas na nakikita sa diksyunaryo
Halimbawa:
- konotasyon: ahas - taong traydor
- denotasyon: ahas - hayop na gumagapang
- konotasyon: tuta - taong sunod-sunuran sa mas mataas na tao
- denotasyon: tuta - anak ng aso