Sagot :
Kahulugan ng Katitikan ng Pulong
Ang katitikan ng pulong ay tinatawag na minutes of meeting sa wikang Ingles. Ito ay mga isang dokumento o sulatin na kung saan nakasaad ang mga mahahalagang piang-usapan, pinagkasunduan, maging ang mga diskusyon at desisyon na nangyari sa isang pagpupulong o pag-uusap. Ito ay kadalasang ginagamit sa mga pagpupulong na maaring isang pormal o opisyal. Ito rin ay magiging gabay ng hanguan o sanggunian sa mga susunod na pulong at batayan ng mga miyembro ng pulong. Nabubuo ito kapag isinusulat ng kalihim, sekretarya, typist o reporter o sino mang naatasan ang mga naganap sa isang pulong o pag-uusap.
Nakasaad sa Katitikan ng Pulong ang mga sumusunod:
Paksa
Petsa
Oras
Lugar o pook kung saan ginawa at idinaos ang pulong
Oras ng pagsisimula
Oras ng pagtatapos
Mga napag-usapan
Mga dumalo at mga hindi dumalo sa pulong
Halimbawa ng Katitikan ng Pulong:
Paksa: Homeroom PTA Meeting
Petsa: Hunyo 20, 2020
Oras: 1:00 p.m.
Pook: Grade 2- Coral Reef Classroom
Oras ng Pagsimula: 1:00 p.m.
Oras ng Pagtatapos: 3:00 p.m.