👤

anu ang ibig sabihin nang mapagkumbaba?


Sagot :

Answer:

Kahulugan ng Salitang Mapagpakumbaba

Ang ibig sabihin ng salitang mapagpakumbaba ay ang mga sumusunod na kasingkahulugan o katumbas na salita:

humble (sa wikang Ingles)

mapagpaumanhin

may mahabang pasensiya

madaling magpatawad

hindi mapangmata / mapanlait sa kapwa

maamo / mabait

hindi mapagmataas

may mababang-loob

hindi mayabang

Ang taong mapagpakumbaba ay sinasabing "down to earth". Dahil sila ang mga taong may respeto at paggalang sa kapwa kahit ano man ang kanilang katayuan sa buhay. Sila ay may malasakit sa kapwa at may malawak na pang-unawa sa kanilang mga nasa paligid.      

Sa pagiging mapagpakumbaba, nauunawaan nila ang kapwa tao at nilalalawakan na lamang nila ang kanilang isip sa lahat ng sitwasyon o pangyayari.

Ito ay isang mabuting katangiang dapat taglayin ng lahat ng tao ngunit hindi dapat masorbrahan ang pagiging mapagpakumbaba dahil sila ang kadalasang inaabuso at inaapi. Tama lang na nasa tamang katwiran ka, magpaumanhin at magpatawad sa mga sitwasyong hindi na kailangang umabot pa sa kaguluhan.