sagutin Ang panuto: ano ano Ang mga gawain sa bahagi ng halaman? isulat Ang tamang sagot, paki sagot po ng maayos
![Sagutin Ang Panuto Ano Ano Ang Mga Gawain Sa Bahagi Ng Halaman Isulat Ang Tamang Sagot Paki Sagot Po Ng Maayos class=](https://ph-static.z-dn.net/files/d46/f8346c22730da6d696b1baaeca7a4a1a.jpg)
Answer:
Narito ang bahagi ng isang halaman na binubuo ng bulaklak, dahon, bunga, tangkay at ugat. Kasunod nito ay ang deskripsyon ng mga parte nito
Bulaklak - Ito ang gumagawa ng binhi upang dumami pa ang halaman. Ito ang madalas dapuan ng mga paru-paro dahil sa taglay nitong pollen
Dahon - Ito ay importanteng parte ng halaman sapagkat ito ay isa sa mga responsable sa photosynthesis. Ito ay gumagamit ng liwanag, hangin at tubig.
Tangkay - Ito ay ang parte ng halaman na nag dudugsong sa halaman at dahon. Ito rin ang nagdadala ng tubig patungo sa dahon.
Bunga - Ang bunga ng halaman ay syang produkto nito na may binhi o buto sa loob upang itanim muli at maging isang ganap na halaman.
Ugat - Ito ang parte ng halaman na responsable sa pagkuha o pagsipsip ng tubig mula sa ilalim ng lupa.