👤

ang mga pahayag sa pahambing ay?
(need po answer now na)​


Sagot :

Answer:

Ang paghahambing ay naghahambing o nagtutulad ng dalawang pangngalan o panghalip.planation:

a. Pahambing na Pasahol o Palamang - nagsasaad ng nakahihigit o nakalalamang na katangian ng isa sa dalawang pangngalan o panghalip na pinaghahambing. Gumagamit ito ng mga katagang higit, mas, lalong, di gaano, di gasino, at iba pa.

Halimbawa: Mas malawak ang kanyang kaisipan kaysa sa akin.

b. Pahambing na Patulad - nagsasaad ng magkatulad o magkapantay na katangian ng dalawang pangngalan o panghalip na pinaghahambing. Gumagamit ito ng mga panlaping tulad ng sing/sin/sim, magsing, kasing o ng mga salitang kapwa, pareho.