Sagot :
Answer:
Ang Alamat ng Bohol
What?
Ang Alamat ng Bohol na isinulat ni propesor Pat Villafuerte ay isang makulay at magandang alamat na nagpapakita ng piksyunal na pinanggalingan ng isla ng Bohol. Pahapyaw na tinalakay sa kwentong ito ang ugat ng mga mabubuting katangian ng mga Bisaya at mga taga-Bohol. Tinalakay ang kanilang pagmamahal at paggalang sa kalikasan at ang pag-usbong ng isla mula sa pag-ibig.
So What?
Natutunan at Nakita ko kung paano ang pagiging malikhain ay magbibigay daan sa pagsasanaysay ng ating ma kwento. Natutunan ko rin kung gaano kayaman ang ating wika, kasaysayan, at kultura. Kaalinsabay nito ay ang husay ng mga manunulat na Pilipino upang gumawa ng isang alamat.
What’s next?
Ako ay naenganyo na magbasa pa ng mga akda ng mga manunulat na Pilipino. Natutuwa ako sa yaman ng ating kultura at sisikapin kong impluwensyahan ang aking mga pamilya at kaibigan sa hangaring ito.
Explanation: