IV. Mga Gawain Gawain 1 Panuto: Basahin ang mga teksto sa ibaba Tributo o Pagbubuwis Makabayang Kasaysayang Pilipino 5, Alvenia P. Palu-ay, pahina 93 Upang tustusan ang mga pangangailangan ng pamahalaan, ang mga Espanyol ay nagpakilala ng Sistema ng Pagbubuwis sa Pilipinas. Ang tributo ay maaaring bayaran ng salapi. Nagsimula ang tributong nilikom sa walong (8) reales. Itinaas ito sa sampung (10) reales noong 1602 at sa labindalawang (12) reales noong 1851. Maliban sa salapi, maaari ring ibigay na tributo ang ginto, tela, bulak, palay, manok at iba pang produkto. Maraming Pilipino ang turnutol sa pagbabayad ng tributo dahil na rin sa pang-aabuso ng mga encomendero na lumilikom nito. Ang produktong nalikom ay iptabili ng mga encomendero sa mga Pilipino sa napakataas na halaga. Bunga nito, marami ang nag-alsa laban dito. Noong 1884, pinalitan ang sistemang tributo ng cedula personal, isang kapirasong papel na katumbas ng pagkakakilanlan bilang mamamayan ng isang lalawigan. Ang bawat mamamayang may edad 18 pataas ay kinakailangang magbayad ng cedula. Karagdagang kaalaman: 8 reales = 1 peso Sa panahong ito, sinasabing ang isang ektarya ng lupa na walang irigasyon = 1 peso dalawang (2) ektarya ng lupa na may irigasyon = 2 peso