PANUTO: Piliin ang tamang sagot. Isulat ang titik ng sagot sa sagutang papel.
1. Kaantasan ng pang-uri na naghahambing o nagtutulad ng dalawang pangngalan o panghalip. A. pahambing C. pahambing na patulad B. pahambing na pasahol D. lantay
2. Bahagi ng pananalitang naglalarawan o nagbibigay-turing sa pangngalan o panghalip. A. pandiwa B. pang-abay C. pang-ukol D. pang-uri
3. Nagsasaad ng nakahihigit o nakalalamang na katangian ng isa sa dalawang pangngalan o panghalip na pinaghahambing. A. lantay C. pahambing na patulad B. pahambing na pasahol o palamang D. pasukdol
4. Anong uri ng hambingan ang ginamit sa pangungusap na ito: "Kapwa maganda ang mukha at kalooban ng mga gurong binigyan ng parangal." A. pahambing na magkatulad C. pahambing na pasahol B. pahambing na di-magkatulad D. pahambing na palamang
5. Ang mga sumusunod na mga pangungusap ay gumamit ng pahambing na pasahol maliban sa isa. A. Si Alen ay di-gasinong makisig gaya ni Edgardo. B. Magkasingyaman ang angkan ng Montemayor at Sandevar. C. Ang pagkaing matatamis ay di-totoong tanyag sa Europa paris sa Asya. D. Ayon sa balita ay di-lubhang malala ang epekto ng virus sa probinsiya tulad sa siyudad.