👤

galing sa salitang latin na dignitas, mula sa dignus, ibig sabihin "kaparapat- dapat"​

Sagot :

Dignidad :answer

Ang dignidad ay galing sa salitang Latin na nangangahulugang “dignitas”, mula sa “dignus”, na ang ibig-sabihin ay “karapat-dapat”. Ito ay nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang mula sa kaniyang kapwa o sa ibang tao. Ang lahat ng tao, ano man ang kanyang edad, anyo, antas ng karunungan at kakayahan at estado sa buhay ay may dignidad na pinangangalagaan at iginagalang.

Kahalagahan ng Dignidad

Sa pamamagitan ng dignidad lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang hindi makasasakit o makakasama ng kapwa dahil mas nangingibabaw ang paggalang at respeto sa kapwa tao o kahit kanino man.

Nang dahil sa dignidad nagkakaroon ng pagkakapantay-pantay at patas na pagtrato, paggalang at pagrespeto sa lahat ng tao.

Ang pagkakapantay pantay ng tao ay nakatuon sa dignidad bilang tao at karapatan na dumadaloy mula rito.

Dahil sa dignidad nagiging pantay at patas lahat ang pagtingin walang kinikilala, mataas ka man o mababa ang estado sa buhay.

May likas na kakayahan ang isang aong hubugin at paunlarin ang kaniyang sarili gamit ito.

Patuloy mong naisasabuhay ang kahalagahan ng iyong kapwa bilang paggalang at pagrespeto sa kanilang pagkatao.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa dignidad, magtungo sa link na: brainly.ph/question/248749, brainly.ph/question/1998128

#LearnWithBrainly