Gawain sa Pagkatuto Bílang 1: Basahin ang tula. Sagutin ang mga tanong sa susunod na pahina. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. Hulog ng Langit ni Renante R. Soriano Uwa, uwa, ang iyak ng munting sanggol, nang siya ay isilang ng kaniyang inang mahal. Siya ay anghel sa bago niyang pamilya Oo siya nga, batang kaylusog at kaysigla. Ang balat niya'y isang bulak, na sa kaputian ay napapansin. Ngiti niya'y gamot, sa nalulungkot na damdamin. Munting tawa niya ay pag-asa, Sa bawat miyembro ng pamilya Siya ay hulog ng langit, Handog sa mga magulang niyang kay saya.