Sagot :
Explanation:
Bilang isang kabataang Pilipino, ako ay buong loob na nangangako na makikiisa sa pagsulong ng ekonomiya ng ating bansa, ang Pilipinas. Ngayon pandemya, malaki ang naging epekto nito sa ating ekonomiya. Ang ekonomiya ng Pilipinas ay mababa na, kaya sa pagdating ng pandemya mas lalo itong bumaba dahil maraming Pilipino ang nawalan ng kanya kanyang kabuhayan. Bilang isang kabataan na sinasabing pag-asa ng bayan, nais kong ilahad ang aking opinyon na maaaring makatulong sa pag-unlad at pag-angat muli ng ekonomiya. Isa rito ay ang bigyan pansin ang mga lokal na pamilihan at tangkilin ang sariling atin. Sa pamamaraan na ito, mas maraming mga produktong gawang pinoy ang mabibili at magiging demand na siyang maaaring magpapataas ng ekonomiya. Dagdag pa ay ang bigyan ng trabaho ang mga Pilipino na may sapat na sahod o kabayaraan ng ayon sa kanilang pagtratrabahuan. Huli naman ay magtulungan ang bawat isa upang maiangat ang ating ekonomiya. Muli, ako ay ( iyong pangalan ) na buong katapangan na nanunumpa na ako ay makikiisa sa pag-unlad ng ekonomiya ng ating bansa.