👤

ano ano ang mga hudyat na maaring gamitin sa pag papahayag ng damdamin at saloobin?​

Sagot :

Ang mga hudyat na ito ay maaring gamitin sa ating mga pahayag para maipahatid ang ating paniniwala at pagpapahalaga.

1. Sa pakiwari ko...

Halimbawa: Sa pakiwari ko ay hind nagustuhan ng mga magulang ang proyektong itinalaga ng paaralan para sa kanilang mga anak.

2. Sa aking pananaw...

Halimbawa: Sa aking pananaw ay hindi nakabubuti ang labis na panonood ng mga programa sa telebisyon sapagkat kumakain ito ng oras.

3. Base sa aking karanasan...

Halimbawa: Base sa aking karanasan, mainam na magbyahe sa madaling-araw dahil wala pang gaanong sasakyan sa daan.