👤

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Sa pakikipag-ugnayan sa ating kapwa, may mga pagkakataon na nagpapakita ng paggalang at di-paggalang sa pagbibigay ng suhestiyon o ideya. Ilagay ang (Heart) kung ito ay nagpapakita ng paggalang sa pagbibigay ng suhestiyon o ideya at (Sad face) naman kung hindi. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
1. Hindi raw maganda ang boses ko sabi ni Dan. Ayoko na uling kumanta.
2. Mataas ang nakuha nating marka sa pangkatang gawain dahil masisipag tayo. Sana tayo uli ang magkakagrupo.
3. Wag ka na lang sumali sa amin Gen, hindi ka naman magaling sumayaw.
4. Huwag kang susuko Pat, ipagpatuloy mo lang ang pagtutula mo, gagaling ka rin.
5. Di na natin kailangang ipagpatuloy ang proyekto natin, hindi naman tayo tinutulungan ng ating mga kagrupo.
6. Sa dami ng iyong sinasabi hindi na kita
mainthindihan kaya kung pwede tumigil ka na.
7. Kelly paki sabihan Naman ang kapatid mo na gumising ng maaga para hindi na siya mahuli sa klase.
8. Wala na akong pakialam kung tama o mali itong gagawin nating proyekto, bahala na!
9. 'Wag na tayong mag-aral. Mangopya na lamang Tayo sa pagsusulit mamaya.
10. Slamat sa pagpapahiram mo ng Ballpen. Hayaan mo babawi ako sa iyo.

Pasagot pls ESP Po Ito.​