👤

saliksikin at sipiin ang mga mahalagang impormasyon hinggil sa iba't-ibang paraan ng pagpapahayag​

Sagot :

Answer:

1. Iba’t Ibang Paraan ng Pagpapahayag (Paglalahad)

2. • Ang paglalahad ay nagpapaliwanag, nagbibigay- kaalaman o pakahulugan, at nagsusuri upang lubos na maipaunawa ang diwang inilalahad o nais ipaabot ng nagsasalita sa manunulat. • Maaaring ito ay tumutugon sa mga katanungan kung ano ang katuturan ng isang bagay o salita, kung paano ang pagsasagawa ng isang bagay, kung ano ang kakanyahan ng isang layunin o simulain.

3. Pag-iisa-isa • Ito ay isang paraan ng paglalahad ng isang kalagayan o sitwasyon sa pamamagitan ng maayos na paghahanay ng mga pangyayari ayon sa talagang pagkakasunod-sunod ng mga ito. • Dito ay malinaw na naipakikita ang mga dahilan at bunga ng mga pangyayari.

4. Paghahambing at Pagsasalungatan • Ginagamit ang paraan na ito sa paghahambing ng magkatuad at pagkakaiba ng mga bagay-bagay. • Ang paraang ito ang pinakamalimit na gamitin.

5. Pagsusuri • Sa paraang ito ay sinusuri ang mga salik o bagay-bagay na nakaaapekto sa isang sitwasyon at ang pagkakaugnay-ugnay ng mga ito.

6. Sanhi at Bunga • Tinatalakay rito kung ano ang sanhi o dahilan at kung ano-ano ang kinalabasan. Sa paraang ito madaling maikintal sa isipan ng mambabasa o nakikinig ang mga pangyayari.

7. Pagbibigay Halimbawa • Ito’y nagpapatibay ng isang paglalahad. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa ay madaling makumbinsi o mahikayat ang nagbabasa o nakikinig. • Siguraduhin lamang na tiyak o makatotohanan ang ibibigay na halimbawa.

8. • Sa pagsulat ng paglalahad ay kailangan ang malawak na kaalaman sa paksang tatalakayin, pagpapaliwanang sa kahulugan, malinaw at maayos na pagpapahayag at walang kinikilingan.

Explanation:

Sana po makatulong ^^