👤

tive
be the
DIREC
Panuto: Isulat sa linya ang salitang TAMA kung naglalahad ito ng wastong pahayag at MALI kung hindi.
1. Ang protina ay ang bitaminang makukuha sa karne ng manok at itlog ng pugo.
2. Sa pag-aalaga ng tilapia, kailangang maliit ang sukat ng palaisdaan upang agad-agad itong dumami.
3. Dapat bigyan ng sapat na liwanag at bentilasyon ang mga alagang hayop.
-4. Layer ang uri ng manok na inaalagaan para sa taglay nitong karne.
5. Karaniwang inaalagaan ang mga itik at pato sa mga lugar na malapit sa tubig kung saan may mga suso
at tulya para sila ay maipastol at makatipid sa pagkain
ansv
he
Panuto: lwasto ang pagkakasulat ng mga salitang may salungguhit sa bawat bilang. Gawing gabay ang mga kahulugan
ng mga salitang ito. Isulat ang tamang sagot bago ang bawat bilang.
Halimbawa;
AOBYB - ito ay uri ng hayop na madalas inaalagaan ng mga tao para gawing litson at yung iba naman ay kinakatay
upang ibenta ang karne nito sa palengke.
Sagot: BABOY
1. Tiki - ito ay may bahay na hindi dapat bababa sa 34 sq. feet ang laki at may tubigan o paliguan na may
laking 10 piye ang lapad ng haba para sa 50 na dami nito.
2. ROBILRE - ito ay uri ng manok na nangangailangan ng ilaw o bombilyang may 50 watts para mailawan ang
bagong pisang sisiw at may patukaan sa loob ng kulungan na gawa sa yero, kahoy, o biyak na kawayan.
3. IAPALATK - ang hayop na ito ay may kulungan na mataas para hindi maabot ng mga daga, pusa at ahas.
4. UOPG - ito ay may kulungan na may sukat na "4 x 8 x 1“talampakan, may sahig na may pulgadang wire
mesh at may pantakip sa ibabaw tulad ng lawanit o plywood.
5. AABK - ito ay may kulungan at bakod na may sukat na 1 % hanggang tatlong metrong kuwadrado, lubid
pantali, kawayan at pawid at sementadong sahig para madali itong linisin
Ipaliwanag.
Ano ang kahalagahan sa paggawa ng tala bago mag-alaga ng hayop na mapagkakakitaan?​