Sagot :
Answer:
Ang pagiging maaga o hindi inaasahang pagbubuntis, ano kaya epekto nito?
Hindi pagiging responsable o matured sa magiging anak nila
Hindi nila ma-eenjoy ang buhay ng teenager
Maaaring magdulot ng kalungkutan o depresyon na nagkakaroon ng mental na mga suliranin
Maaaring hindi magtagal ang relasyon`o ang buhay pampamilya sapagkat mga bata pa ang isip
Kung isang mag-aaral siya, maaaring mapahinto sa pag-aaral sa eskuwelahan
Mawalan ang malalaking oportunidad na bukas sa atin
Mapapansin natin ang ilan ay nagiging nanay kahit napakabata pa. Sa murang edad ay nagbubuntis na o kaya naman nag-aalaga na ng anak nila. Nakakalungkot at padami ng padami ang nakakaranasan ganitong sitwasyon. Pero maraming dahilan ang nasa likod ng kalagayan na ito kung bakit maaga ang pagbubuntis.
Ang ilan sa mga dahilan kung bakit maaga ang pagbubuntis ng isa:
Pagrerebelde sa magulang
Napabayaan ng mga magulang ang responsibilidad nila sa mga batang anak nila.
Maaaring dahil sa pressure ng mga kaibigan
Impluwensiya ng social media
Mga personal na problema na matagal ng dinadala sa buhay
Maaaring sila ay biktima ng sexual harassment
Kulang sa kaalaman at impormasyon may kaugnayan sa pagtatalik
Pagnanasa
Maaaring Tandaan:
Kailangan tulungan natin ang sarili habang bata pa lamang. Huwag tayong magpadala sa anumang bagay na magiging sanhi ng maagang pagkabuntis. Isipin lagi ang magandang kinabukasan natin at magpokus sa mga tunguhin. At may tamang panahon sa mga bagay na iyan. Pero kung biktima ka ng maagang pagkabuntis, huwag mawalan ng pag-asa, ipagpatuloy pa rin ang buhay at maging positibo.
Magpatulong sa iba kung kinakailangan. Huwag natin sarilinin ang problema natin, pagpagabay sa mga magulang o sa isang mapagkakatiwalaan natin may kaugnayan sa bagay na ito.
Maaaring buksan pa ang ilan sa mga link na ito para makapagbasa ng higit pa may kaugnayan sa paksa:
Sanhi ng maagang pagbubuntis: brainly.ph/question/2563093
Ilan sa mga negatibong epekto ng maaga at hindi inaasahang pagbubuntis: brainly.ph/question/10109808
Ang buod tungkol sa maagang pagbubuntis: brainly.ph/question/1924951
#BrainlyEveryday
Explanation:
ang ganda nyo.