👤

Paano mo maipapakita ang paggalang sa mungkahi o ideya ng iba​

Sagot :

Answer:

  • Maging bukas tayo sa mga opinyon ng iba, ngunit kailangan muna nating suriin kung ito ba ay makakabuti o makakasama hindi lamang para sa sarili kundi para sa lahat.
  • Kung may pagkakataong hindi nagustuhan ang naibigay na opinyon sa iyo, maging mahinahon lamang sa pakikipag-usap, wag agad magagalit o magsasalita ng hindi maganda, palaging isa-alang alang ay ang mararamdaman ng taong nagbigay nito. Lahat naman ay maaaring idaan sa maayos na usapan.
  • Iwasang magbigay ng mga mungkahi o opinyon na makakasakit ng damdamin ng ibang tao.
  • Magkakaiba man tayo ng mga perspektibo sa buhay, palaging piliin ang pagkakaroon ng pagtanggap, pagtanggap sa kagustuhan ng iba.
  • Kailangang tanggapin natin ang opinyon ng iba lalo na kung ito ang MAS makabubuti, maging tiyak at sigurado lamang bago isagawa ito.
  • Kung may isang paksang tinatalakay o pinag-uusapan, hingin muna ang opinyon o saloobin ng lahat, pagkatapos ay pagsama-samahin ang lahat ng ito, timbangin ang mga maaring gawin at hindi gawin at saka magkaroon ng konklusyon.

Explanation:

  • hope it helps
  • carry on learning