👤

Tuklasin Bawat isa ay may karapatan. Karapatang mabuhay, makapag-aral at mamuhay ng payapa. Ang isang mabuting bata ay isinasaalang-alang ang karapatan ng iba. Kumikilos ng naaayon sa ikabubuti ng lahat at hindi sa sariling kapakanan lamang. Panuto: Pag-aralan ang larawan. Sagutin ang sumusunod na tanong at isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Batay sa larawan, saan kaya papunta ang mga bata? Ano ang kanilang gagawin dito?

2. Ano kaya ang nararamdaman ng mga bata habang papunta sila ng paaralan?

3. Ano ang maaaring matutunan ng mga bata sa paaralan?

4. Ano ang kahalagahang naidudulot ng pag-aaral?

5. Anong karapatan ng bawat bata ang ipinakikita sa larawan?

6. Paano maipakikita ng bawat bata ang pagpapahalaga niya sa edukasyon?

7. Ano ang papel na maaaring gampanan ng mga magulang sa pag-aaral ng kanilang mga anak?

8. Batay sa nakikita mo sa larawan, paano pinangangalagaan ng batas ang mga pangangailangan ng mga bata?

9. Paano ipinakikita ng mga bata sa larawan ang paggalang sa kapuwa?

10. Paano mo maipakikita ang iyong paggalang sa kapuwa bata?​​


Tuklasin Bawat Isa Ay May Karapatan Karapatang Mabuhay Makapagaral At Mamuhay Ng Payapa Ang Isang Mabuting Bata Ay Isinasaalangalang Ang Karapatan Ng Iba Kumiki class=