👤

9. Si Rica ay may katangi-tanging ganda at talino ngunit hindi niya magawang sumali sa beauty contest dahil sa kanyang pagkamahiyain. Siya ang napili na maging kalahok sa baitang 8 para sa darating na Intramural's Day. Paano niya malabanan ang takot at tuluyang makasali sa naturang patimpalak?
A. Subukan niyang mag-ensayo kasama ang kanyang mga pinsan.
B. Ipagpaliban muna at tiyakin na makakasali na sa susunod na taon.
C. Tanggihan ang alok dahil nakakaabala lamang ito sa kanyang pag-aaral. D. Linangin ang tiwala sa sarili at mag-ensayo ng husto para sa darating na beauty contest.

10. Nagdalawang-isip na pumasok si Joey sa araw na iyon dahil hindi siya nakatulong sa kanilang pangkatang gawain kahapon sa kadahilanang nagmamadali itong umuwi para matulungan ang kanyang ina na nag-aalaga sa kanyang nakababatang kapatid na may sakit. Alin sa mga sumusunod ang patunay na naimpluwensiyahan ng emosyong pagkalungkot ang ikinikilos ni Joey?
A. Si Joey ay matalinong bata.
B. Si Joey ay may malasakit sa pamilya.
C. Si Joey ay aktibong nakilahok sa klase.
D. Si Joey ay nagdalawang-isip na pumasok

11. Likas na mahiyain si Jade at wala siyang kumpyansa sa sarili ngunit inatasan siya ng kanyang guro na maging tagapag-ulat sa isang pangkatang gawain. Napapayag man siya ngunit nang magpaliwanag sa awtput ng kanyang pangkat ay nagkautal-utal siya sa pagsasalita. Alin sa mga sumusunod ang patunay na naimpluwensiyahan ng emosyong pagkatakot ang ikinikilos ni Jade?
A. Si Jade ay hindi tumayo dahil nahihiya siya.
B. Si Jade ay mahusay magpaliwanag sa kanilang awtput.
C. Si Jade ay nagkautal-utal sa pagpapaliwanag sa kanilang awtput W D. Si Jade ay umiyak dahil pinilit siyang magpaliwanag sa kanilang awtput. ​