👤

help po
Si Manuel Quezon ay isang masigla at masipag na lider. Anumang gawaing ninanais niya
ay isinasakatuparan niya agad. Ayaw niya na may masayang na panahon dahil naniniwala siya na
ang oras ay ginto. Mahalaga ang bawat sandali kaya’t hindi niya ito inaaksaya. Ayon sa kaniya,
ang magagawa ngayon ay hindi na dapat ipagpabukas pa.
Naging kawal siya noong panahon ng himagsikan. Naging gobernador din siya, at matapos
nito ay naging senador. Naging kinatawan pa siya ng Pilipinas sa Washington, United States of
America. Si Quezon ay mahusay sa batas dahil siya ay isang abogado. Di nagtagal, siya ay
naging pangulo ng Senado ng Pilipinas at nahalal na pangulo ng Commonwealth o ng
Malasariling Pamahalaan noon.
Sa pamamagitan ng pagsasakatuparan ng Katarungang Panlipunan, binigyan niya ng
pantay na pagpapahalaga ang mahihirap at mayayaman. Si Quezon din ang nagpasimula sa
pagkakaroon natin ng pambansang wika. Kung hindi dahil sa kaniya, walang isang wika na
magbubuklod sa lahat ng Pilipino. Dahil dito, siya ay tinawag na “Ama ng Wikang Pambansa.”

DepEd, The Philippine Informal Reading Inventory Manual 2018, Panimulang Pagtatasa, Ikalimang Baitang,
Set D, p.212-214

3. Alin sa sumusunod ang naging trabaho ni Quezon?
A.guro, doctor, abogado
B.senador, modelo, kawal
C.alkalde, kongresista, pangulo
D.abogado, gobernador, senador

4. Anong uri ng pamahalaan ang pinamunuan ni Manuel Quezon?
A.Pamahalaan ng Biak na Bato
B.Pamahalaang Commonwealth
C.Pamahalaan ng Ikatlong Republika.
D.Pamahalaang Rebolusyunaryo

7. Alin sa sumusunod ang nagpapakita na makamahirap si Quezon?
A.Tumira siya sa bahay ng mahihirap.
B.Binibigyan niya ng pera ang mahihirap.
C.Pinatupad niya ang Katarungang Panlipunan.
D.Iba ang tingin niya sa mahihirap at mayayaman.

9. Anong uri ng seleksyon ang binasa mo?
A.alamat
B.kuwentong-bayan
C.pabula
D.talambuhay

10.Alin sa sumusunod ang nararapat na pamagat ng teksto?
A.Mga Ambag ni Manuel Quezon.
B.Ama ng Wikang Pambansa
C.Manuel Quezon at ang Pamahalaang Komonwelth.
D.Manuel Quezon Pambansang Bayani

11.Sang-ayon ka ba sa ginawang hakbang ni Quezon na magkaroon tayo ng pambansang wika,oo o hindi? Ipaliwanag ang sagot.
A Oo, upang may ipagmalaki tayo sa ibang bansa.
B.Hindi, mas maganda ang ibang wika.
C.Oo, upang magkaroon ng pagkakaunawaan sa komunikasyon.
D.Hindi, dahil hindi natin nagagamit ang ibang wika.



Sagot :

ANSWER..

3. Alin sa mga sumusunod ang naging trabaho ni Quezon?

D.Abogado,Gobernador,Senador

4. Anong pamahalaan ang pinamumunuan ni Manuel Quezon?

B.Pamahalaang CommonWealth

7. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita na makahirap si Quezon?

C.Pinatupad niya ang katarungang panlipunan.

9. Ano ang uri ng seleksiyon na binasa mo?

D.Talambuhay

10. Alin sa mga sumusunod ang nararapat na pamagat ng teksto?

B.Ama ng Wikang Pambansa

11. Sang-ayon ka ba sa ginawang hakbang ni Quezon?

C. Oo upang magkaroon ng pagkakaunawaan sa komunikasyon

#hope it helps

#otherwise change if u need