👤

Maikling Pagsusulit Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Pumili nang tamang sagot mula sa mga salita na naka kahon at isulat sa patlang ng bawat bilang . Kalayaan para sa bansa USAFFE Gerilya Kempeitai Garrison Sekretong Senyales HUKBALAHAP Kolaborador MAKAPILI Katapangan 1. Ginagamit ng mga gerilya sa pakikipag-ugnayan sa ibang mga kasapi nito. 2. Hukbo na may katulad na layunin ng mga gerilya na binubuo ng mga magsasaka. 3. Nagkunwari lamang sila na kaanib ng mga Hapones upang maiwasan ang higit pang kahirapan at kamatayan ng nakararaming Pilipino. 4. Mga Pilipinong espiya at nakipagtulungan sa mga Hapon kahit hindi sila naglilingkod sa pamahalaang Hapones. Itinuturo nila ang mga taguan at himpilan ng mga gerilya. 5. Katangiang ipinakita ng mga Pilipino sa kanilang pakikibaka para sa kalayaan ng bansa laban sa mga Hapon. 6. Ang tunay na dahilan ng mga Pilipino kung bakit sila patuloy na nakipaglaban sa mga Hapon sa panahon ng pananakop nito sa bansa. 7. Ang mga sundalong Amerikano na hindi sumuko sa mga Hapon, namundok at patuloy na nakipaglaban bilang mga gerilya. 8. Mga sundalong Pilipino na hindi sumuko sa mga Hapon, namundok at patuloy nakipaglaban para sa bansa. 9. Pulisyang militar ng mga Hapon na kinakatatakutan ng mga Pilipino dahil sa kalupitan nito. 10. Pinagdadalhan sa mga Pilipinong nahuli ng mga kempei-tai dahil pinaghihinalaang mga gerilya o lumalaban sa pamahalaang Hapon.​

Maikling Pagsusulit Panuto Basahin At Unawain Ang Mga Sumusunod Na Pahayag Pumili Nang Tamang Sagot Mula Sa Mga Salita Na Naka Kahon At Isulat Sa Patlang Ng Baw class=