👤

Bilang isang mag-aaral sa kasalukuyan, nakatutulong ba ang mga akdang pampanitikan upang mabigyan ka
ng kamalayan sa mga nangyayari sa lipunan? Oo o hindi, magbigay ng halimbawa at ipaliwanag.​


Sagot :

Answer:

AKDANG PAMPANITIKAN PARA KAMALAYAN

Mahalaga bilang isang mag-aaral ang pakakaroon ng kaalaman sa mga mga akdang pampanitikan sapagkat ito ay nagbibigay sa atin ng kamalayan sa mga bagay nangyayari sa ating lipunan na kung saan ay maaari nating ihambing ang mga akdang ito sa panahon noon at ngayon. Kaya't tunay ngang nakatutulong ang mga akdang ito para sa mga mag-aaral at para na rin sa kalinangan ng mga tao. Ang mga akdang pampanitikan ay nagbibigay rin sa atin ng diwa ng pagmamahal sa bayan at kaalaman kung mayroong mga bagay na nilabag ang mga tao sa kapangyarihan pagdating sa batas, moral, o sa pamumuhay ng mga tao. Ilan sa mga akdang nakilala ay ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Jose Rizal na syang ating pambansang bayani, ang mga akdang ito ay nagpapakita ng pagmamahal sa bayan at paglaban sa mga taong nagbibigay ng hindi magandang hangarin sa ating baya. Ang mga akdang ito ni Jose Rizal ay atin pa ring nagagamit at naihahalintulad pa sa kasalukuyang pangyayari sa ating bansa sa mga panahong ito.

https://brainly.ph/question/3384567

#LETSSTUDY