Sagot :
Answer:
"Ang lahat ay pantay pantay sa mata ng Diyos at ng mga tao". Ang mga salitang ito ay isang kasabihan na madalas gamitin ng mga tao upang ipaalala na lahat tayo ay pantay pantay sa lipunan, sa mata ng Diyos at dapat ganun rin sa mga tao.
Kahit magkakaiba ang mga tao sa pananalita, itsura, pananamit, paniniwala, lahat tayo ay nilikha ng iisang Dyos, kaya naman lahat tayo ay pantay pantay.Kung anuman ang katayuan natin sa buhay, anu man ang narating natin, dapat tayo ay maging mapagpakumbaba at hindi maging mapagmataas. Igalang natin ang ating kapwa at huwag natin silang itratong naiiba sa atin. Mahalin mo ang iyong kapwa na halos hindi iba sayo.