Sagot :
PANGATNIG NA GINAGAMIT BILANG PANANDA O HUDYAT NG WAKAS O KATAPUSAN NG ISANG PAHAYAG
Ano nga ba ang pangatnig? Ang pangatnig ay ang tawag sa mga lipon o kataga ng salitang nagdudugtong o nag-uugnay sa dalawang salita.
Ang pangatnig na ginagamit bilang pananda o hudyat ng wakas o katapusan ng isang pahayag ay tinatawag na Pangatnig na Panapos.
Ang mga salitang 'sa lahat ng ito, sa di-kawasa, sa wakas o sa bagay na ito ay maaring gamitin bilang panapos na pangatnig.
Halimbawa ng pangatnig na panapos sa pangungusap
1. Sa bagay na ito, hayaan nating mapagkasunduan ng bawat panig.
2. Sa wakas ay narating na natin ang lugar na ito.
3. Sa lahat ng ito, ang mahalaga'y ligtas tayong lahat
https://brainly.ph/question/7714354
#LETSSTUDY