Gawain 3: Sa pag-aaral ng kasaysayan, higit na mahalaga ang pag-unawa sa mga kaganapang nagbigay daan sa mahahalagang pangyayari sa kasaysayan. Maging ang mga pangyayari sa panahon ng Renaissance ay nakapag-impluwensya sa mga kasalukuyang pangyayari. Maging mapagmasid sa iyong paligid. Itala ang mga napuna sa larangan ng Politika, Ekonomiya, at Sosyo-kultural.
Pagtatasa 3 Panuto: Tumukoy ng isang imbensyon, kaalaman or pangyayari sa panahon ng Renaissance na sa palagay mo ay naging bahagi ng pagbabagong nararanasan natin ngayon. Maaring ang halimbawa ay may negatibo o positibong epekto.