👤

Ano ang mga pangkat-etniko?

Sagot :

Ano ang mga pangkat-etniko?

Ang tinatawag na mga 'pangkat-etniko' sa Pilipinas ay maaaring ipakahulugan na isang pag-uuri o sarilinang pagkakakilanlan ng mga Pilipino batay sa kanilang lipi, wika, relihiyon, o kasaysayan.

Mga halimbawa ng pangkat-etniko:

Tagalog - Ang mga Tagalog ang pinaniniwalaan pinakamalaking bahagdan ng mga Pilipino na mula sa Kamaynilaan.

Ilokano - Ang mga Ilokano naman ay naninirahan sa malaking bahagi ng Luzon kabilang na ang Rehiyon ng Ilocos at ilang bahagi ng Rehiyon ng Cagayan.

Aeta - Kilala rin sa tawag na Ita, ang mga Aeta ay isa sa mga sinaunang pangkat etniko sa Pilipinas. Naninirahan sila sa kabundukan ng Zambales. Simple lang ang kanilang pamumuhay at patuloy pa rin silang gumagamit ng mga sibat, itak, at pana sa panghuhuli ng kanilang makakain.