1. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng pag-unlad ng komunikasyon sa bansa noong
panahon ng mga Español?
A. Nagkaroon ng sasakyang-dagat mula sa Maynila patungong Espanya noong 1873.
B. Nagkaroon ng buwanang koreo sa pagitan Maynila at Hong Kong noong 1854
C. Tumaas ang produksyon ng tabako at bigas sa bansa.
D. Ikinabit ang unang kable sa Pilipinas patungo sa ibang bansa noong 1880.
2. Hanggang saan umabot ang itinatag na unang riles ng tren na pinasinayaan noong Nobyembre 24,
1892?
A. Mula Maynila hanggang sa Nueva Ecija C. Mula Maynila hanggang sa Vigan
B. Mula Maynila hanggang sa Dagupan, Pangasinan D. Mula Maynila hanggang sa Bauan, La Union
3. Kailan unang nagkaroon ng suplay ng kuryente sa mga kabahayan sa Maynila?
A. 1875 C.1898
B. 1893 D.1890
4. Paano umunlad ang transportasyon sa Pilipinas?
a.Ipinagawa ni Gob. Hen. Enrile ang mga daan at tulay.
b.Ipinagawa ang unang parola sa may bukana ng Ilog Pasig noong 1846.
c.Ipinakilala ang tranvia na hinihila ng kabayo noong 1893.
A. titik b at c lamang C. titik a at b lamang
B. titik a at c lamang D. Lahat ng mga nabanggit
5. Kailan ikinabit ang unang telepono sa bansa?
A. 1898 C.1890
B. 1901 D.1895
6. Ang mga sumusunod ay mga magagandang naidulot dahil sa pagbubukas ng Pilipinas sa kalakalang
pandaigdig, maliban sa isa, alin ito?
A. Bumuti ang paraan ng pagsasaka. C. Naging mabilis ang transportasyon at komunikasyon
B. Kumonti ang mga ani at produkto D. Nagkaroon ng pag-unlad sa ekonomiya ng bansa.
7. Ang kauna-unahang bangkong Espanyol na naging bukas para sa mga Espanyol at Filipino ay ang
_____________. A. Monde de Piedad y Caja de Ahorros C. Obras Pias
B. El Banco Español Filipino de Isabel II D. Chartered Bank of India
8. Kailan ganap na binuksan ang daungan ng Maynila sa kalakalang pandaigdig?
A. 1834 C. 1888
B. 1857 D. 1890
9. _______________ ay ang cable cars o sasakyang de-kable na pinaaandar ng kuryente.
A. Tranvia C. Puente Colgante
B. Ferrocaril de Manila D. Balangay
10. Ito ay ang unang riles sa bansa.
A. Tranvia C. Puente Colgante
B. Ferrocaril de Manila D. Balangay