Sagot :
Answer:
Sa larangan ng ekonomiks, ang kahulugan ng supply ay ang dami ng mga produkto o serbisyo na handa at maaaring ipagbili sa mga mamimili o di kaya'y prodyuser sa isang takdang panahon, gamit ang iba't ibang mga presyo. Kaugnay ng konsepto ng supply ang ang konsepto ng Batas ng Suplay.
Narito ang iba pang mga detalye ukol sa kahulugan ng supply pagdating sa usapang ekonomiks.
Kahulugan ng Supply
Ang supply ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na kaya at handang ipagbili sa mga mamimili o prodyuser gamit ang iba't ibang lebel ng presyo, sa loob ng isang takdang panahon.
Ang konsepto ng supply ay may sinusunod din na batas. Ito ay mas kilala bilang Batas ng Suplay.
Batas ng Suplay
Nakasaad sa Batas ng Suplay na ang presyo ng isang produkto o serbisyo ay may direktang ugnayan sa dami ng produkto o serbisyo na ipinagbibili sa pamilihan.
Kung walang mga pagbabago sa ibang mga bagay, kapag tumaas ang presyo, tataas din ang suplay. Sa kabilang banda, kapag bumaba naman ang presyo, bababa rin ang suplay.
Explanation:
sana makatulong