Sagot :
• Aksidente / Sakuna
Aksidente kong nahulog ang ibinibentang baso sa mall kung kaya't ako ay pinagbayad.
Ang buong lalawigan nang Bacolod ay nakararanas ng matinding sakuna.
• Banayad / Marahan
Banayad ang ihip nang hangin sa aming probinsiya.
Marahan kong isinara ang pinto upang hindi magising ang aking kasintahan.
• Kaibuturan / Kailaliman
Lubos na pinasalamatan ni Juan ang nagligtas sa kaniyang buhay sa kaibuturan ng kaniyang puso.
Sa kailaliman nang karagatan ay may mga isdang hindi pa nadidiskubre.
• Malaman / Matanto
Lubos na nasaktan si Juan nang malaman niyang na aksidente ang kaniyang mga magulang.
Huli na nang matanto ni Juan ang kaniyang pag-ibig kay Maria.
• Masakit / Masaklap
Masakit ang makitang nahihirapan si Juan sa kaniyang pamumuhay.
Masaklap ang buhay na dinanas ni Juan kung kaya't ayaw niya itong iparanas sa kaniyang mga anak.
• Nakapinid / Nakasara
Nakapinid ang pahina ng aklat na binabasa ni Juan.
Nais sana ni Juan na makita ang nilalaman ng kahon ngunit ito ay nakasara.
• Nakumpirma / Nasigurado
Labis na nasaktan si Juan ng nakumpirma niyang mayroon nalamang siyang isang buwang natitira upang mabuhay.
Nasigurado ng doktor ni Juan ang kaniyang sakit.
• Pagpigil / Pagsupil
Halos hindi na makahinga si Juan sa pagpigil ng kaniyang luha ng marinig niya ang balita.
Nagkaisa ang bansa sa pagsupil sa pananakop ng mga Kastila.