Sagot :
Answer: Kahalagahan ng Likas Kayang Pag-unlad
Ang kahalagahan ng likas kayang pag-unlad ay ang pagiging responsable ng mga tao sa kasalukuyan upang pangalagaan ang mga likas na yaman ng sa ganon ay magagamit pa rin ito ng mga susunod na henerasyon.
Explanation:
Ang likas kayang pag-unlad ay tumutukoy sa responsableng paggamit ng mga likas na yaman. Ang pag-aaksaya ng mga likas na yaman ay hindi napapabilang sa likas kayang pag-unlad. Ginagawa ito dahil alam naman natin na limitado lamang ang mga likas na yaman, at hindi natin dapat ito ubusin sa loob lamang ng sandaling panahon. Bagkus, ang kailangan nating gawin ay dahan-dahan itong gamitin, at kung pwede ay pagyamanin pa natin para may magagamit pa ang mga susunod na henerasyon. Kung hindi tayo magiging responsable sa panahon ngayon, wala ng aabutang likas na yaman ang mga tao sa hinaharap.