Sagot :
Answer:
Explanation:
Kaibigan
Ang kaibigan ay tumutukoy sa isang tao na mahalaga, mapagkakatiwalaan, at handang sumuporta ng walang hinihinging kapalit; sila ay malapit sa puso at damdamin ng isang tao.
Mga Katangian at Kahalagahan ng Tunay na Kaibigan
Mapagkakatiwalaan sa lahat ng bagay; handa silang makinig at magtago ng mga lihim na pawang sa inyong dalawa lamang. Hindi sila magbibigay ng mga impormasyon na makasisira at makapagpapababa ng pagkatao.
Handang tumulong ng walang hinihinging kapalit; sila yung mga taong tutulungan ka kahit hindi mo hinihingi. Mga taong walang sumbat na ibibigay matapos makatulong. Ang kanilang pagmamalasakit ay kusang loob at walang kapantay na kapalit.
Mahal ka bilang IKAW; ang mga taong ito ay tanggap ka sa kung ano ka at sino ka. Hindi sila yung mga taong pupuntahan ka lang dahil may gusto silang ipagawa o may kailangan sayo. Marapat na ang kaibigan ay totoong nagmamahal sa anyo at uri ng ugali na mayroon ka.