1. Alin sa sumusunod na pahayag ang may pinakamaliwanag na kahulugan ng salitang kabihasnan? A. Ito ay itinatag na lipunan na nagsilbing instrumento sa kaunlaran. B. Ito ay lugar na may malawak ang nasasakupan at maraming industriya. C. Ito ay lipunan na pinamumunuan ng pinakamagaling at mayamang lider D. Ito ay maunlad na sosyudad na mayroong matataas na antas ng pag-unlad. 2. Saang kontinente matatagpuan ang mga Kabihasnang Minoan, Mycenaean, at klasikong Greece? A. Afrika B. Amerika C. Asya D. Europa 3. Alin sa sumusunod na pahayag ang may akmang paglalarawan sa kabihasnang Minoan? A. Sandalan ng mga mandirigmang Griyego sa Kanluran. B. Pinakamagaling na makikipagkalakalan sa ibayong dagat. C. Nagtatag ng demokrasyang pamamahala sa lipunan at palakaibigan. D. Kilala bilang mahuhusay gumamit ng metal at magagaling na mandaragat. 4. Ano-ano ang apat (4) na pangkat ng tao sa lipunan ng Minoans? A. Datu, Maharlika, Magsasaka, Alipin. B. Maharlika, Periocci, Malalayang tao. Alipin. C. Maharlika, Mangangalakal, Magsasaka, Alipin. D. Konseho, Asembleya, Artisano, Mangangalakal. 5. Ano ang tawag ng mga arkeologo sa nakasulat na wika ng mga Minoan? A. Arkayko B. Griyego C. Hiroglipiko D. Linyar A 6. Ang kabihasnang Mycenaean ay kilalang maunlad na kabihasnan sa tangway ng Gresya at mababangis na mandirigma. Sila din ay kilala bilang A. Magigiting na mga mandirigma at nagpabagsak ng sibilisasyong Griyego, B. Nagpasimuno ng palarong boksing at nagtatag ng kauna-unahang Arena sa mundo. C. Mga lonians na nag-ugnay ng maayos na daanan at tulay at nagpapalawak ng kalakan katimugang Greece. D. Magsasaka na nagpaunlad sa ekonomiya, sining at arkitektura ng sinaunang sibilisasyon sa katimugang Greece