👤

Basahin at isulat sa patlang ang salitang TAMA kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng wastong impormasyon at MALI kung ito ay nagpapahayag ng di-wastong impormasyon. (10 puntos)

a. Ang mga kababaihan noon ay walang karapatang makapag - aral sa unibersidad.

b. Sadyang makikipot at maliliit lamang ang yari sa mga bintana noon upang mapangalagaan ang kaligtasan ng mga naninirahan doon.

c. Ang kababaihan noon ay pinapayagang makihalubilo sa kahit sinong kalalakihan.

d. Likas sa mga Pilipino ang pagkamalikhain at pagkahilig sa musika.

e. Ang Kristiyanismo ay naging malaking salik sa paglaganap ng kulturang Espanyol sa Bansa.

f. Ang mga katutubo at mahihirap na mga Pilipino noon ay itinuturing na mga indio.

g. Maaaring makilahok sa mga gawaing pangangalakal ang mga kababaihan noong panahon ng Espanyol.

h. Ang kulturang Espanyol ay iniangkop sa kulturang Pilipino upang mapagyaman ang ating kaalaman sa maraming bagay.

i. Ang paggamit ng kutsara’t tinidor ay namana natin mula sa dayuhang Espanyol.

j. Ang pagkahilig sa magagarbo at maluluhong handaan ay nagpapatunay ng positibong epekto ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas.