👤

Basahin ang mga sumusunod. Hulaan kung ang mga ito ay:
• Bugtong
• Sawikain
• Salawikain

1. Kay lapit-lapit na, di mo pa makita
________________________________
2. Daig ng matanong ang madunong
________________________________
3. Nang sumipot sa maliwanag ay kulubot ng balat.
________________________________
4. Kung magbibigay at mabigat ang loob; ang pinakakain ay di mabubusog.
________________________________
5. Putok sa buho.
________________________________
6. Parehong kaliwa ang paa.
________________________________
7. Matibay ang walis, palibhasa, magkabigkis.
________________________________
8. Dumaan ang hari; nagkagatan ang pari.
________________________________
9. Pang suman.
________________________________
10. Huling baraha.
________________________________​