Sagot :
Answer:
1. Pakinabang sa Kalakal at Produkto
Tulad ng Pilipinas na sagana sa mga likas na yaman. Ang Pilipino ay karaniwan nang umaasa rito upang matugunan ang kaniyang mga pangangailangan.
Maraming produktong nakukuha sa mga yamang ito at hindi lamang kainin o gamitin, kundi pangkalakal din.
Ang mga ito rin ang nagdudulot ng pag-angat ng antas ng ekonomiya ng bansa.
2. Pakinabang sa Turismo
Bukod sa mga kalakal at produkto, likas na yaman ding maituturing ang maraming lugar at tanawin.
Malakas itong atraksiyon sa mga turista't dayuhan buhat sa mga karatig-lalawigan at maging sa labas ng bansa.
Ilan sa mga atraksiyong ito ang mga dalampasigan, talon, ilog, kabundukan, bulkan, kagubatan, at maging ang ilalim ng dagat.
Bunga nito, malaki ang naiaambag ng turismo sa pag-unlad ng ekonomiya.
3. Pakinabang sa Enerhiya
Pinagkukunan din ng enerhiya ang likas na yaman ng bansa.
Isa itong malaking bagay na nakatutulong sa ating ekonomiya dahil hindi na natin kailangang umangkat pa ng maraming krudo o langis.
Halimbawa:
Pinatatakbo ang mga planta ng kuryente sa pamamagitan ng puwersa ng tubig mula sa talon ng Maria Cristina, lawa ng Caliraya, at lakas ng hangin sa Bangui, Ilocos Norte sa pamamagitan ng windmill.
Explanation:
Brainliest mo ako please