Answer:
Frontliners, Mga Bayani!
Saludo ako sa mga matatapang na frontliners na handang tumulong sa mga taong nangangailangan ng kanilang tulong. Bagkus ay pwede nilang tanggihan ito kung kanilang gugustuhin. Ngunit mas pinipili nilang ibuwis ang kanilang buhay upang makatulong sa panahong ito at matapang na hinaharap ang problemang ito. Frontliners o kung tawagin natin ay mga bayani. Saludo Sa Inyo!
Sa panahon ng pandemya, tayong lahat ay takot lumabas dahil baka tayo ay mahawaan ng sakit na lumalaganap sa ngayon. Ngunit kung tayong lahat ay matatakot, paano natin malalagpasan ang pandemyang ito?