👤

Panuto: Basahing mabuti ang isinasaad sa bawat pahayag. Isulat sa sagutang papel ang salitang TAMA kung wasto ang isinasaad nito at isulat ang MALI kung di-wasto. 11. Ang pagsakop ng mga Espanyol sa ating bansa upang isulong ang pansarili nilang interes ay maituturing na kolonyalismo. 12. Naghangad ang mga Espanyol na sakupin ang Pilipinas dahil nais nilang makatuklas ng bagong ruta patungong Silangan. 13.Ang pagsasagawa ng kolonyalismo sa daigdig ay naging paraan na rin ng pagkakatuklas nila ng mga lupain. 14. Hindi naging makasaysayan ang paglalayag ni Ferdinand Magellan dahil wala siyang natuklasan. 15. Bilang mga mag-aaral ng kasaysayan, mahalagang malaman natin ang mga dahilan at layunin ng kolonyalismong Espanyol. 16.Lahat ng mga ekspedisyong Espanyol na isinagawa upang masakop ang ating bansa ay nagtagumpay. 17.Gumamit ng sandatahang lakas ang mga Espanyol upang manakop ng mga lupain sa ating bansa. 18.Ang lungsod ng Maynila at mga karatig- lugar nito sa Luzon ay nasakop ng mga Espanyol. 19. Naging malakas ang puwersang militar ng mga Espanyol kaya tayo ay nasakop nila noong panahon ng Paggalugad at Pagtuklas. 20.Ang sandatahang lakas ng mga Espanyol ang naging dahilan upang bumalik sila sa Espanya at doon manatili.​