Sagot :
Answer:
Mahalaga na pamahalaan ang pagbabagong nangyayari sa panahon ng kabataan dahil ito ang tamang panahon na kailangan nila ng gagabay upang hindi sila maligaw ng landas. Ang panahon ng kabataan ang isa sa masayang panahon kung saan sila ay nagiging malaya sa paggawa ng kanilang mga gustong gawin sapagkat akala nila na kaya na nilang magdesisyon para sa kanilang sarili, kaya kinakailangan sa mga panahong ito ang gabay at tulong nga mga magulang at guro dahil sila ang makakasama ng mga kabataan sa tahanan at paaralan sa mga pagbabagong ito na magaganap sa kanila. Ang mga magulang at guro ang maaring magturo sa mga kabataan ng mga tama at mali upang maging maayos ang landas na kanilang tatahakin sa buhay.
Ang kabataan ay isang kasapi ng lipunan na patuloy na pinauunlad ang mga kakayahan at tumutuklas ng mga bagong kaalaman na gagamitin nila sa hinaharap. Sa paaralan nahuhubog ang kanilang mga kaalaman at kakayahan, nahuhulma ang mga magagandang kaugalian at dito pinayayabong nila ang kanilang mga abilidad upang maging handa sa mga pagsubok sa pagharap sa realidad ng buhay.
Ayon nga sa kasabihan, "ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan" dahil maaring sila ang magpabago at magpaunlad sa lipunan. Ang mga kabataan ang maaring mamuno sa lipunan sa hinaharap, sila ang posibleng magpapatuloy ng mga nasimulan tungo sa pagpapaunlad ng ating lipunan.