Sagot :
Answer:
Ito ay pamahalaang pinamumunuan ng isang tao lamang o maliit na pangkat. Ang pinunongito ang siya lamang may ganap na kapangyarihan na gumawa at magpatupad ng mga batas.Ang pinuno ay mayroong katulong sa pagmamasid kung sinusunod o hindi ng mga tao angmga batas.
Ito ay pinamumunuan ng isang diktadura na ang layunin ay pahalagahan ang estado at hindi angkagalingan ng tao o mamamayan. Ang kapangyarihan ay nasa iiisang pangkat lamang ng tao na walangmaaaring sumalungat. Sa pamahalaang ito,ang lahat ng mga likas ay pag-aari ng estado.Magbubungkal nglupa ang mga magsasaka na pag-aari ng gobyerno.Ito rin ang nagtatakda ng mga bagay na itatanim at lawakng pagtatamnan.Maaring sabihing: sa Totalitaryan ay alipin ang mamamayan ang pamahalaan
ang pamahalaang presidensyal ay ang mga taong bayan ang may karapatangpumili ng kanilang magiging pinuno, ang tawag sa pinuno ay presidente.
Answer:
Si William McKinley ang namuno sa Pamahalaang militar. siya ang pangulo ng Estados Unidos. Inutusan ni Mc Kinley si Heneral Wesly Merirtt na manung kulan sa pilipinas bilang gobernador militar . Noong Agosto 14, 1898.Pero Hindi payag si Emilio Aguinaldo dito, subalit hindi siya pinansin. ang layunin ng Pamahalaang militar ay mapigilan ang mga pag-aalsang maaring sumiklab sa bansa Tungkulin nila na mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa Pilipinas. Nagawa ng Pamahalaang Militar. Nang naging payapa na, ay Pinalitan ang pamahalaang militar ng pamahalaang sibil. Ito pala ang mga nagawa ng Pamahalaang Militar Sa mga sumusunod:
*Naging mapayapa at maayos ang buong bansa.
*Ipinatupad ang sistema ng edukasyon ng mga Amerikano.
*Nabuksan ang Maynila sa pandaigdigang kalakalan.
Pamahalaang Sibil
Itinatag ang pamahalaang sibil noong Marso 2, 1901 .Si William H. Taft, ang naging gobernador-heneral ng pamahalaang sibil. Ang iba pang kasapi ng komisyon ay naging kalihim ng iba’t ibang sangay ng ehekutibo.ipinasa ng US Congress ang Spooner Amendment. Ang Spooner Amendment ay isang batas na nagbigay-daan upang palitan na ang pamahalaang militar at ipatupad ang pamahalaang sibil. Ito ay isang uri ng pamahalaan na pinamumunuan ng sibilyan [ mamayan]. Ito ay may layuning itaas ang demokratikong pamumuno kung saan ang kapangyarihan ay nasa kamay ng mga mamamayan. Nagsasaad din dito na ang kapangyarihang militar ay nasa ilalim lamang ng kapangyarihang sibilyan at ang mga sundalo ay itinalaga upang protektahan ang mga karapatan ng mga mamamayan. Sa ilalim ng pamahalaang sibil, ang pangalawang komisyon (Taft Commission)
ay tumatayo bilang lehislatibong sangay ng Pilipinas. Bagama’t matatag na ang pamahalaang sibil sa mga mapayapang lugar, ang pamahalaang militar ay nananatili pa ring ipinatutupad ng USA sa ibang bahagi ng kolonya. Maraming magagandang bagay ang nangyari sa panahon ng pamahalaang sibil lalo na sa ilalim ng pamamahala ni Gobernador Heneral Taft. Isa na rito ang pagpapatibay ng Cooper Act na mas kilala sa tawag na Philippine Bill of 1902.
Nabigay ng Pamahalaang sibil:
Paggawad ng mga kaukulang karapatan maliban sa karapatang panghukuman;
Pagtatalaga ng mga Plipinong komisyonado sa US Congress;
Pagtatatag ng Philippine Assembly (Asambleya ng Pilipinas) na kakatawan bilang mababang kapulungan ng lehislatibong sangay ng Pilipinas at pagpapanatili ng Philippine commission (Komisyon ng Pilipinas) bilang mataas na kapulungan ng lehislatibo; at
Panangalaga ng mga likas na yaman para sa mga Pilipino.
Pagkakaiba ng Pamahalaang Militar at Pamahalaang Sibil
pamahalaang militar-
walang karapatan o kapangyarihan and mga Tao kung indeklara ito sa isang lugar dahil mga sundalo lamang sila
Pamahalaang sibil-
maaring namuno ang mga Filipino dahil itatag ito sa pilipinas ng mga amerikano upang magkaroon ng karapatan mamahala sa sariling bansa