HEALTH Isulat ang T kung tama at M kung mali ang mga sumusunod na pangungusap. 1. Ang Puberty ay ang proseso ng pagkakaroon ng mga pisikal na pagbabago kung saan ang batang pangangatawan ay magiging ganap na may kakayahang magparami nang sekswal. 2. Karaniwan, ang mga babae ay nagsisimulang magdalaga sa gulang na 10-11 taong gulang. 3. Ang pisikal na paglaki-taas at timbang-ay bumibilis sa unang hati ng pagbibinata o pagdadalaga at nabubuo lamang kung ang bata ay nagtataglay ng hustong katawan. 4. Ang nagdadalaga at nagbibinata ay hindi mahilig sa pakikipagkaibigan ngunit ang pagiging mapag-isa kung ninanais ay dapat pahalagahan dahil ito ang panahon upang makapag-isip ng mga dapat at di dapat para sa sarili. 5. Dahil sa mga pagbabagong pisikal ay hindi naapektuhan ang damdamin ng isang nagdadalaga at nagbibinata. 6. Hindi mapili ng kagamitan. 7. Ang Gender ay tumutukoy sa byolohikal na pagkakaiba ng lalaki at babae tulad ng pagkakaiba ng chromosomes, hormonal profiles, panloob at panlabas na ari. 8. Sa loob ng pamamahay unang-unang natutunan ng isang bata ang lahat ng bagay na may kinalaman sa kaniyang sarili at kanyang mga tungkulin sa pamilya. 9. Ang Gender Identity ay tumutukoy sa pananamit, pagkilos, at pag-iisip ng isang lalaki, babae o transgender batay sa kanyang sariling paniniwala at kasiyahan. 10. Ang paaralan ang nagsisilbing unang tahanan ng mga bata. 11-15 Itala ang mga salik na nakaaapekto sa Gender Identity at Gender Roles.