A. Piliin ang pang-abay, pang-uri at pandiwa sa bawat pangungusap.
1. Mahusay sumayaw ang kanilang grupo. 2. Maraming nanood sa kanilang pagtatanghal. 3. Tumatakbo nang matulin ang mga sasakyan. 4. Masarap lumangoy ngayon sa dagat. 5. Dahan-dahan siyang umakyat sa puno. 6. Sadyang malusog ang bata. 7. Ang manggang kanyang dala ay masyadong maasim. 8. Marahan siyang umalis kanina. 9. Talagang masayang mamasyal sa Manila Bay ngayon. 10. Tahimik na nagdasal ang mga tao.