Sagot :
Answer:
Tama
Ang Unibersidad ng Santo Tomas (dinadaglat bilang UST),[1] na mas kilala sa pangalang University of Santo Tomas at minsan ring Pamantasan ng Santo Tomas, ay isang pamantasan sa Maynila na itinaguyod noong taong 1611 ng Dominikano na si Miguel de Benavides, O.P., Arsobispo ng Maynila kasama sila Domingo de Nieva at si Bernardo de Santa Catalina.
Ang Colegio de San Juan de Letran (CSJL) (o San Juan de Letran College (SJLC), Letran College (LC), o Letran) ay isang mataas at pribadong kolehiyo pang Katoliko na matatagpuan sa Intramuros, Maynila. Itinatag ito noong taong 1620 ng mga prayleng Dominikano, at mayroon itong programa para sa elementarya, sekondarya, at mga kolehiyo ng malalayang sining at agham, negosyo at edukasyon.