Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang pamahalaang militar ng mga amerikano ay itinatag sa ating bansa noong __
A. Agosto 14, 1898 B. Agosto 14, 1998 C. Hulyo 4, 1901 D. Hulyo 4, 1902
2. Siya ang sinador na nagbigay daan upang palitan ang pamahalaang, militar sa pamahalaang sibil.
A. William Mc Kinley B. Wesley Meritt C. John Spooner D. Elwell Otis
3. Ipinasa ito sa Philippine Commission noong Nobyembre 4, 1901 na kung saan ipinagbawal ang anumang pag puna at pag laban sa pamamahala ng mga Amerikano.
A. Batas Rekonsentrasyon B. Batas Brigandage C. Batas Watawat D. Batas Sedisyon
4. Ipinagbabawal ng batas na ito ang pagsapi ng mga Pilipino sa mga pangkat na tahasang tumututol sa pananakop ng mga dayuhan.
A. Batas Watawat B. Batas Brigandage C. Batas Rekonsentrasyon D. Batas Sedisyon
5. Sa kanya nagmula ang kautusang pagbuo ng pamahalaang militar.
A. William Mc kinkey B. Elwell Otis C. Wesley Meritt D. Arthur Mc Arthur II. Tukuyin ang mga sumusunod: Piliin ang sagot sa kahon at isulat ito sa patlang.
6. Ito ay isang kampanya na pinangunahan ni Sergio Osmena at Manuel Roxas upang makamit ang pagkilala ng Estados Unidos ng Kalayaan ng Pilipinas at pamumuno sa sarili ng Pilipinas.
7. Ang batas na ito ay akda nina senador Millard Tydings at Kongresista John Mc Duffie para sa pagsasarili ng Pilipinas .
8. Siya ang namuno sa unang misyong pangkalayaan na binuo ng 40 na kasapi.
9. Sa buwan at taong ito nagkaroon ng halalan sa pagkadelegado para sa paghahanda ng
Saligang-Batas.
10. Ang batas naito ay pinagtibay ng mga Pilipino noong 1935. Ang Kagustuhan ng mga Pilipino ay hindi lahat nailagay sa batas na ito sapagkat may mga bagay na nasunod pa rin ang nais ng mga Amerikano.
Batas Tydings-McDUffie Misyong-OS-ROX Saligang Batas 1935
Hulyo 4, 1934
Manuel L. Quezon