Sagot :
Answer:
RIZAL – Maliban sa agrikultura, mayaman din ang lugar na ito sa Palawan sa kultura at tradisyon.
Nananatili pa rin ang lumang pamumuhay ng mga katutubong Tau’t Bato (na binabaybay din bilang Tao't Bato, o Taaw't Bato), na kilala rin bilang “stone people” o “dwellers of the rock”.
Hanggang ngayon ay naninirahan pa rin sa loob ng kweba ang mga Tau’t Bato, na pinaniniwalaan ng ilang eksperto na kaugaliang mula pa sa mga panahong Neolithic.
Kaya bahagi ng ikatlong taon ng Tau’t Bato Festival ang pagbibigay-daan para maipakilala nila ang kultura, tradisyon at pamumuhay ng kanilang tribu.
Isang tribal village ang itinayo malapit sa munisipyo ng Rizal, kung saan tampok ang kanilang mga tirahan at mga parte ng kanilang nakasanayang buhay.
Sila rin ang bumida sa tribal games kasama ang iba pang mga katutubo.
Ipinamalas naman sa cultural night ng Tau’t Bato Festival ang kanilang mga sinaunang sayaw at mga instrumento, maging ang pag-inom ng “tabad” o rice wine sa malaking banga, na paraan umano ng kanilang pasasalamat sa nakatataas.
Sa ngayon, mahigit 100 Tau’t Bato na lang umano ang naninirahan sa Singnapan Valley sa Barangay Ransang, Rizal, kung saan nakasuot pa rin sila ng bahag, at pinagpapatuloy ang nakagisnang buhay sa kweba at kabundukan.
Mahalaga umano na maprotektahan ang mayamang kalikasan kung saan sila naninirahan, lalo pa’t itinuturing ang mga Tau’t Bato na archaeological treasure ng mundo.
Explanation:
Sana makatulong po sa inyu