GAWAIN 3. Tukuyin Mo Unawain ang bawat pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Liban sa mga negatibong epekto ng Monopolyo sa Tabako, nag-iwan din ito ng kanais-nais na epekto sa bansa gaya ng. a. Lumaki ang kita ng pamahalaan b. Nakahikayat ng mga magsasaka na magtanim C Ang Pilipinas ang naging pangunahing pagawaan ng tabako sa buong daigdig. d. Lahat ng nabanggit
2. Ang mga sumusunod ay mga epekto sa pamumuhay ng mga katutubong Pilipino ng Monopolyo sa Tabako, maliban sa isa a. Nagkulang sa pagkain dahil di sila nakapagsasaka ng palay b. Nandaya at nagmalabis ang mga nangangasiwa sa monopolyo c. Hindi napigil ang mga panunuhol at pagpupuslit ng mga produktong tabako d. Naging masigasig ang mga magsasaka sa pagtatanim ng tabako
3. Ang Real Sociedad Economica de los Amigos del Pais ay a. Itinatag noong 1781 bilang samahang magtataguyod ng kaunlarang pang-ekonomiya at industriya ng bansa. b. Nagpahirap sa mga magsasaka c. Nabigo sa mga hangarin, dahilan sa kakulangan ng pondo sa patuloy na pag-angkat ng mga makinarya at pasahod sa mga tekniko d. Natigil noong 1787 at tuluyang nagsara sa gitna ng dekada 1890.
4. Ang mga epektong dulot ng mga patakarang pangkabuhayan ay may kaugnayan din sa ilang mga patakarang ipinatutupad sa kasalukuyan a. Lubos na sumasang-ayon b. Hindi sumasang-ayon c. Hindi makapagpasya d. Walang pakialam