👤

Ang araw na sa tuwi-tuwina ay maaalaala Dahil sa dinanas na mala-impiyernong buhay. Doon sa malayo, sa malayong lupain Sa maliit na bayan na ang tawag Bataan. Isang ari-ariang aming kinahantungan, Ang sabi'y may sukat na dies por dies lamang. Matinding labanan ang kinasangkutan sa pag-aantala at nang si MacArthur ay bigyan ng panahong makapaghanda Sa pagbabalik niya sa ibang mga araw. Nang tumigil ang putukan at mahawi ang usok Itinaas ang puting bandila, ang araw ay balot ng lungkot. Daan-daan ang nagbuwis ng buhay, Dumanak ang dugo nang araw ding iyon Upang ika'y mabuhay sa 'Merikanong paraan. Alalahanin ang kabutihan nila nang may ngiti Kahit na iyon ay matagal-tagal na rin.





1. ano Ang nilalaman ng tula ?

2. Anong larawan Ang makikita mo sa iyong isipan sa linyang Dahil sa dinanas na malaimpyernong Buhay?

3. kung Ikaw ay Isang sundalo na naglalaban at iniwan kayo Ng inyong pinuno sa got a Ng labanan?

4. sa inyong opinyon sapat na ba Ang taunang kagitingan para sa NGA sundalong nag buwis Ng Buhay noong panahon Ng digmaan?