Sagot :
Answer:
Ang epiko (epic) ay isang anyo ng panitikan na tumatalakay sa kabayanihan at pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa kaniyang mga katunggali. Ito ay karaniwang naglalaman ng hindi kapanipaniwalang pangyayari tulad ng pagkakaroon ng kapangyarihan ng mga tauhan. Tinatalakay din dito ang mga sinaunang paniniwala, kaugaliaan at mga huwaran ng mamayan kung saan nagmula ang akda.