A. Sagutin ang sumusunod na mga tanong. 1. Alin-alin sa mga awiting bayan ng Kabisayaan ang nasabayan mo? Ano-anong awiting-bayan naman ang ipinagkakapuri mo mula sa sarili mong bayan o rehiyon? 2. Sa ano-anong pagkakataon ninyo inaawit o itinatanghal ang mga ito? 3. Nasubukan mo na bang sumabay sa isang awiting-bayan? Anong damdamin ang naidulot nito sa iyo at sa mga tagapakinig? 4. Ano-anong bahagi ng kultura ng Kabisayaan ang masasalamin sa awiting “Lawiswis Kawayan"? sa mga awiting “Dandansoy" at "Ay Kalisud"? sa oyaying "Ili-Ili, Tulog Anay"? sa masiglang awiting "Si Pilemon"? 5. Nakarinig ka na ba ng isang nakatatandang nagsabi ng isang bulong? Kailan niya isinagawa ang bulong? 6. Anong bulong ang kilala at ginagamit pa rin sa inyong lugar magpahanggang ngayon? 7. Ano-anong bagay ang masasalamin sa ating mga katutubong awitin at mga bulong? 8. Bakit kailangang panatilihin at palaganapin ang ating mga katutubong panitikan tulad ng mga awiting-bayan at bulong maging sa kasalukuyang henerasyon?